-
Mga Bilang 28
- 1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
- 2 Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang alay sa akin, ang aking pagkain na pinakahandog sa akin na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa akin, ay inyong pagiingatang ihandog sa akin sa ukol na kapanahunan.
- 3 At iyong sasabihin sa kanila, Ito ang handog na pinaraan sa apoy na inyong ihahandog sa Panginoon; mga korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, dalawa araw-araw, na pinakapalaging handog na susunugin.
- 4 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga, at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw;
- 5 At ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo.
- 6 Isang palaging handog na susunugin, na iniutos sa bundok ng Sinai na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
- 7 At ang pinakahandog na inumin niyaon, ay ang ikaapat na bahagi ng isang hin sa isang kordero: sa dakong banal magbubuhos ka ng handog na inumin na pinaka mainam na alak para sa Panginoon.
- 8 At ang isang kordero, ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw: gaya ng handog na harina sa umaga, at gaya ng handog na inumin niyaon, ay iyong ihahandog, isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
- 9 At sa araw ng sabbath ay dalawang korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, at dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog na harina na hinaluan ng langis, at ang handog na inumin niyaon:
- 10 Ito ang handog na susunugin sa bawa't sabbath, bukod pa sa palaging handog na susunugin, at ang inuming handog niyaon.
- 11 At sa mga pasimula ng inyong mga buwan ay maghahandog kayo ng handog na susunugin sa Panginoon; dalawang guyang toro at isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan;
- 12 At tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis, para sa bawa't toro; at dalawang ikasangpung bahagi ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis para sa isang tupang lalake;
- 13 At isang ikasangpung bahagi ng mainam na harina, na hinaluan ng langis na pinakahandog na harina para sa bawa't kordero; pinakahandog na susunugin na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
- 14 At ang magiging handog na inumin ng mga yaon ay kalahati ng isang hin ng alak sa toro, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ay sa tupang lalake, at ang ikaapat na bahagi ng isang hin ay sa kordero: ito ang handog na susunugin sa bawa't buwan sa lahat ng buwan ng taon.
- 15 At isang kambing na lalake na pinakahandog sa Panginoon dahil sa kasalanan; ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon.
- 16 At sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, ay paskua ng Panginoon.
- 17 At sa ikalabing limang araw ng buwang ito ay magkakaroon ng isang pista; pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura.
- 18 Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod:
- 19 Kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakahandog na susunugin; dalawang guyang toro, at isang lalaking tupa, at pitong korderong lalake ng unang taon; na mga walang kapintasan:
- 20 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis: tatlong ikasangpung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro, at dalawang ikasangpung bahagi para sa tupang lalake;
- 21 At isang ikasangpung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawa't kordero sa pitong kordero;
- 22 At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, upang itubos sa inyo.
- 23 Inyong ihahandog ang mga ito bukod pa sa handog na susunugin sa umaga, na pinakapalaging handog na susunugin,
- 24 Ganitong paraan ihahandog ninyo araw-araw, sa loob ng pitong araw, ang pagkain na handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon.
- 25 At sa ikapitong araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod.
- 26 Gayon din sa araw ng mga unang bunga, na paghahandog ninyo ng isang bagong handog na harina sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanglinggo, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod:
- 27 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; dalawang guyang toro, isang tupang lalake, at pitong korderong lalake ng unang taon;
- 28 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi para sa bawa't toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake,
- 29 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero;
- 30 Isang kambing na lalake upang itubos sa inyo.
- 31 Bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, ay inyong ihahandog ang mga yaon (yaong mga walang kapintasan sa inyo), at ang mga inuming handog ng mga yaon.
-
-
King James Version (kjv)
- Afrikaans
- Albanian
- Arabic
- Armenian
- Basque
- Breton
- Calo
- Chamorro
- Cherokee
- Chinese
- Coptic
- Croatian
- Czech
- Danish
- Dari
- Dutch
-
English
American King James Version (akjv) American Standard Version (asv) Basic English Bible (basicenglish) Douay Rheims (douayrheims) John Wycliffe Bible (c.1395) (wycliffe) King James Version (kjv) King James Version (1769) with Strongs Numbers and Morphology and CatchWords, including Apocrypha (without glosses) (kjva) Webster's Bible (wb) Weymouth NT (weymouth) William Tyndale Bible (1525/1530) (tyndale) World English Bible (web) Young's Literal Translation (ylt)
- English and Klingon.
- Esperanto
- Estonian
- Finnish
- French
- German
- Gothic
- Greek
- Greek Modern
- Hebrew
- Hungarian
- Italian
- Japanese
- Korean
- Latin
- Latvian
- Lithuanian
- Malagasy
- Malayalam
- Manx Gaelic
- Maori
- Mongolian
- Myanmar Burmse
- Ndebele
- Norwegian bokmal
- Norwegian nynorsk
- Pohnpeian
- Polish
- Portuguese
- Potawatomi
- Romanian
- Russian
- Scottish Gaelic
- Serbian
- Shona
- Slavonic Elizabeth
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Syriac
- Tagalog
- Tausug
- Thai
- Tok Pisin
- Turkish
- Ukrainian
- Uma
- Vietnamese
-
-
Active Persistent Session:
To use a different persistent session key, simply add it above, and click the button below.
How This All Works
Your persistent session key, together with your favourite verse, authenticates you. It links to all your notes and tags in the Bible. You can share it with loved ones so they can see your notes and tags.
However, to modify your notes and tags, you need both the persistent session key and your favourite verse.
Please Keep Your Favourite Verse Private
Your persistent session key and favourite verse provide you exclusive access to edit your notes and tags. Think of your persistent session key as a username and your favourite verse as a password. Therefore, ensure your favourite verse is kept private.
The persistent session key allows viewing, while editing is only possible when the correct favourite verse is provided.
-
Loading...
-
-
Ang Dating Biblia (1905) (tagalog - 1.2)
2008-07-19Tagalog (tl)
Philippine Bible Society (1905)
in Tagalog (national language of the Philippines)
Bible is reconized by its title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia)
This Bible is now Public Domain.- Encoding: UTF-8
- Direction: LTR
- LCSH: Bible. Tagalog.
- Distribution Abbreviation: tagalog
License
Public Domain
Source ()
Typed from the Ang Biblia Tagalog by Richard & Dolores Long.
- history_1.2
- Minor updates to .conf text
Favourite Verse
You should select one of your favourite verses.
This verse in combination with your session key will be used to authenticate you in the future.
This is currently the active session key.
Should you have another session key from a previous session.
You can add it here to load your previous session.