-
Josue 21
- 1 Nang magkagayo'y lumapit ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita kay Eleazar na saserdote, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga lipi ng mga anak ni Israel;
- 2 At sila'y nagsalita sa kanila sa Silo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, Ang Panginoon ay nagutos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayan na matatahanan, pati ng mga nayon niyaon para sa aming hayop.
- 3 At sa kanilang mana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita, ayon sa utos ng Panginoon, ang mga bayang ito pati ng mga nayon ng mga ito.
- 4 At ang kapalarang ukol sa mga angkan ng mga Coathita ay lumabas; at ang mga anak ni Aaron na saserdote, na kabilang sa mga Levita, ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ni Juda, at sa lipi ng mga Simeonita, at sa lipi ni Benjamin, ng labing tatlong bayan.
- 5 At ang nalabi sa mga anak ni Coath ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Ephraim, at sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases, ng sangpung bayan.
- 6 At ang mga anak ni Gerson ay nagtamo sa pamamagitan ng sapalaran sa mga angkan ng lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan, ng labing tatlong bayan.
- 7 Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay nagtamo sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, ng labing dalawang bayan.
- 8 At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng sapalaran ang mga bayang ito pati ng mga nayon nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
- 9 At sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay kanilang ibinigay ang mga bayang ito na nabanggit sa pangalan:
- 10 At pawang sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Coathita, na mga anak ni Levi: sapagka't sa kanila ang unang kapalaran.
- 11 At ibinigay nila sa kanila ang Chiriath-arba, na siyang Arba na ama ni Anac, (na siya ring Hebron,) sa lupaing maburol ng Juda, pati ng mga nayon niyaon sa palibot.
- 12 Nguni't ang mga parang ng bayan, at ang mga nayon, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jephone na pinakaari niya.
- 13 At sa mga anak ni Aaron na saserdote ay ibinigay nila ang Hebron pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Libna pati ng mga nayon niyaon;
- 14 At ang Jattir pati ng mga nayon niyaon, at ang Estemoa, pati ng mga nayon niyaon.
- 15 At ang Helon pati ng mga nayon niyaon, at ang Debir pati ng mga nayon niyaon;
- 16 At ang Ain pati ng mga nayon niyaon, at ang Jutta pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon; siyam na bayan sa dalawang liping yaon.
- 17 At sa lipi ni Benjamin, ang Gabaon pati ng mga nayon niyaon, ang Geba pati ng mga nayon niyaon;
- 18 Ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Almon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
- 19 Lahat ng mga bayan ng mga anak ni Aaron na saserdote ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
- 20 At tinamo ng mga angkan ng mga anak ni Coath, na mga Levita, sa makatuwid baga'y ang nangalabi sa mga anak ni Coath, ang mga bayan na kanilang kapalaran sa lipi ni Ephraim.
- 21 At ibinigay nila sa kanila ang Sichem pati ng mga nayon niyaon sa lupaing maburol ng Ephraim, na bayang ampunan na ukol sa nakamatay, at ang Geser pati ng mga nayon niyaon.
- 22 At ang Kibsaim pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-horon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
- 23 At sa lipi ni Dan, ang Eltheco pati ng mga nayon niyaon, ang Gibbethon pati ng mga nayon niyaon;
- 24 Ang Ailon pati ng mga nayon niyaon; ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
- 25 At sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanach pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
- 26 Lahat na bayan sa mga angkan ng nangalabi sa mga anak ni Coath ay sangpu pati ng mga nayon niyaon.
- 27 At sa mga anak ni Gerson, sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay sa kanila sa kalahating lipi ni Manases ang Gaulon sa Basan pati ng mga nayon niyaon, ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay; at ang Be-estera pati ng mga nayon niyaon; dalawang bayan.
- 28 At sa lipi ni Issachar, ang Cesion pati ng mga nayon niyaon, ang Dabereth pati ng mga nayon niyaon;
- 29 Ang Jarmuth pati ng mga nayon niyaon, ang En-gannim pati ng mga nayon niyaon: apat na bayan.
- 30 At sa lipi ni Aser, ang Miseal pati ng mga nayon niyaon, ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;
- 31 Ang Helchath pati ng mga nayon niyaon, ang Rehob pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
- 32 At sa lipi ni Nephtali ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Hammoth-dor pati ng mga nayon niyaon, at ang Cartan pati ng mga nayon niyaon; tatlong bayan.
- 33 Lahat na bayan ng mga Gersonita ayon sa kanilang mga angkan ay labing tatlong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
- 34 At sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zabulon, ang Jocneam pati ng mga nayon niyaon, at ang Kartha pati ng mga nayon niyaon,
- 35 Ang Dimna pati ng mga nayon niyaon, ang Naalal pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
- 36 At sa lipi ni Ruben; ang Beser pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon.
- 37 Ang Cedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaat pati ng mga nayon niyaon; apat na bayan.
- 38 At sa lipi ni Gad ang bayang ampunan na ukol sa nakamatay, ang Ramoth sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon;
- 39 Ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon, apat na bayang lahat.
- 40 Lahat ng mga ito ay mga bayan ng mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita; at ang kanilang kapalaran ay labing dalawang bayan.
- 41 Lahat na bayan ng mga Levita sa gitna ng mga pag-aari ng mga anak ni Israel ay apat na pu't walong bayan pati ng mga nayon ng mga yaon.
- 42 Ang mga bayang ito ay kalakip bawa't isa ang mga nayon nito sa palibot ng mga yaon: gayon sa lahat ng mga bayang ito.
- 43 Sa gayo'y ibinigay ng Panginoon sa Israel ang boong lupain na kaniyang isinumpa na ibibigay sa kanilang mga magulang: at kanilang inari at tumahan doon.
- 44 At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang: at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga kaaway sa kanilang kamay.
- 45 Walang nagkulang na isang mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel, lahat ay nangyari.
-
-
King James Version (kjv)
- Afrikaans
- Arabic
- Armenian
- Basque
- Breton
- Chamorro
- Cherokee
- Chinese
- Coptic
- Croatian
- Czech
- Danish
- Dutch
-
English
American King James Version (akjv) American Standard Version (asv) Basic English Bible (basicenglish) Douay Rheims (douayrheims) John Wycliffe Bible (c.1395) (wycliffe) King James Version (kjv) King James Version (1769) with Strongs Numbers and Morphology and CatchWords, including Apocrypha (without glosses) (kjva) Webster's Bible (wb) Weymouth NT (weymouth) William Tyndale Bible (1525/1530) (tyndale) World English Bible (web) Young's Literal Translation (ylt)
- Esperanto
- Estonian
- Finnish
- French
- German
- Gothic
- Greek
- Greek Modern
- Hebrew
- Hungarian
- Italian
- Japanese
- Korean
- Latin
- Latvian
- Lithuanian
- Malayalam
- Manx Gaelic
- Maori
- Myanmar Burmse
- Norwegian bokmal
- Portuguese
- Potawatomi
- Romanian
- Russian
- Scottish Gaelic
- Slavonic Elizabeth
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Syriac
- Tagalog
- Thai
- Turkish
- Ukrainian
- Uma
- Vietnamese
-
-
Active Persistent Session:
To use a different persistent session key, simply add it above, and click the button below.
How This All Works
Your persistent session key, together with your favourite verse, authenticates you. It links to all your notes and tags in the Bible. You can share it with loved ones so they can see your notes and tags.
However, to modify your notes and tags, you need both the persistent session key and your favourite verse.
Please Keep Your Favourite Verse Private
Your persistent session key and favourite verse provide you exclusive access to edit your notes and tags. Think of your persistent session key as a username and your favourite verse as a password. Therefore, ensure your favourite verse is kept private.
The persistent session key allows viewing, while editing is only possible when the correct favourite verse is provided.
-
Loading...
-
-
Ang Dating Biblia (1905) (tagalog - 1.2)
2008-07-19Tagalog (tl)
Philippine Bible Society (1905)
in Tagalog (national language of the Philippines)
Bible is reconized by its title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia)
This Bible is now Public Domain.- Encoding: UTF-8
- Direction: LTR
- LCSH: Bible. Tagalog.
- Distribution Abbreviation: tagalog
License
Public Domain
Source ()
Typed from the Ang Biblia Tagalog by Richard & Dolores Long.
- history_1.2
- Minor updates to .conf text
Favourite Verse
You should select one of your favourite verses.
This verse in combination with your session key will be used to authenticate you in the future.
This is currently the active session key.
Should you have another session key from a previous session.
You can add it here to load your previous session.