-
Mga Hukom 3
- 1 Ito nga ang mga bansang iniwan ng Panginoon, upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila, sa makatuwid baga'y sa mga hindi nakaalam ng mga pagbabaka sa Canaan;
- 2 Nang maalaman man lamang yaon ng mga sali't saling lahi ng mga anak ni Israel, upang turuan sila ng pakikibaka, yaon man lamang nang una'y hindi nakaalam:
- 3 Ang nangabanggit ay ang limang pangulo ng mga Filisteo at ang lahat ng mga Cananeo, at ang mga Sidonio, at ang mga Heveo, na tumatahan sa bundok ng Libano, mula sa bundok ng Baal-hermon hanggang sa pasukan ng Hamath.
- 4 At sila nga upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila, na maalaman kung kanilang didinggin ang mga utos ng Panginoon, na kaniyang iniutos sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ni Moises.
- 5 At ang mga anak ni Israel ay tumahan sa gitna ng mga Cananeo, ng Hetheo, at ng Amorrheo, at ng Pherezeo, at ng Heveo, at ng Jebuseo:
- 6 At kinuha nila ang kanilang mga anak na babae upang maging mga asawa nila, at ibinigay ang kanilang sariling mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake, at naglingkod sa kanilang mga dios.
- 7 At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at nilimot ang Panginoon nilang Dios, at naglingkod sa mga Baal at sa mga Aseroth.
- 8 Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ipinagbili sila sa kamay ni Chusan-risathaim, na hari sa Mesopotamia: at ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Chusan-risathaim na walong taon.
- 9 At nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel ay nagbangon ang Panginoon ng isang tagapagligtas sa mga anak ni Israel, na siyang nagligtas sa kanila, sa makatuwid baga'y si Othoniel na anak ni Cenaz, na kapatid na bata ni Caleb.
- 10 At ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya, at siya'y naghukom sa Israel; at siya'y lumabas na nakibaka, at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay: at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim.
- 11 At nagpahinga ang lupain na apat na pung taon. At si Othoniel na anak ni Cenaz ay namatay.
- 12 At ginawang muli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon: at pinatibay ng Panginoon si Eglon na hari sa Moab laban sa Israel, sapagka't kanilang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon.
- 13 At kaniyang tinipon ang mga anak ni Ammon at ni Amalec; at siya'y yumaon at sinaktan niya ang Israel, at kanilang inari ang bayan ng mga puno ng palma.
- 14 At ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Eglon na labing walong taon.
- 15 Nguni't nang dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, ibinangon sa kanila ng Panginoon ang isang tagapagligtas, si Aod na anak ni Gera, ang Benjamita, na isang lalaking kaliwete. At ang mga anak ni Israel, ay nagpadala ng isang kaloob sa pamamagitan niya kay Eglon na hari sa Moab.
- 16 At si Aod ay gumawa ng isang tabak na may dalawang talim, na may isang siko ang haba; at kaniyang ibinigkis sa loob ng kaniyang suot, sa kaniyang dakong kanang hita.
- 17 At kaniyang inihandog ang kaloob kay Eglon na hari sa Moab: at si Eglon ay lalaking napakataba.
- 18 At nang siya'y matapos makapaghandog ng kaloob, ay pinapagpaalam niya ang mga tao na nagdala ng kaloob.
- 19 Nguni't siya nga ay bumalik mula sa tibagan ng bato na nasa piling ng Gilgal, at nagsabi, Ako'y may isang pasugong lihim sa iyo, Oh hari. At kaniyang sinabi, Tumahimik ka. At yaong lahat na nakatayo sa siping niya, ay umalis sa harap niya.
- 20 At si Aod ay naparoon sa kaniya; at siya'y nakaupong magisa sa kaniyang kabahayan na pangtaginit. At sinabi ni Aod, Ako'y may dalang pasugo sa iyo na mula sa Dios. At siya'y tumindig sa kaniyang upuan.
- 21 At inilabas ni Aod ang kaniyang kaliwang kamay, at binunot ang tabak mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak sa kaniyang tiyan:
- 22 At pati ng puluhan ay sumuot na kasunod ng talim; at natikom ang taba sa tabak, sapagka't hindi niya binunot ang tabak sa kaniyang tiyan; at lumabas sa likod.
- 23 Nang magkagayo'y lumabas si Aod sa pintuan, at sinarhan niya siya sa mga pintuan ng kabahayan, at pinagtatrangkahan.
- 24 Nang makalabas nga siya ay dumating ang kaniyang mga alila; at kanilang nakita, at, narito, ang mga pintuan ng kabahayan ay nakakandaduhan; at kanilang sinabi, Walang pagsalang kaniyang tinatakpan ang kaniyang mga paa sa kaniyang silid na pangtaginit.
- 25 At sila'y nangaghintay hanggang sa sila'y nangapahiya; at, narito, hindi niya binuksan ang mga pintuan ng kabahayan: kaya't sila'y kumuha ng susi, at binuksan; at, narito, ang kanilang panginoon, ay nakabulagtang patay sa lupa.
- 26 At tumakas si Aod samantalang sila'y nangaghihintay, at siya'y dumaan sa dako roon ng tibagan ng bato at tumakas hanggang sa Seirath.
- 27 At nangyari, pagdating niya, ay kaniyang hinipan ang pakakak sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang mga anak ni Israel ay nagsilusong na kasama niya mula sa lupaing maburol, at siya'y sa unahan nila.
- 28 At kaniyang sinabi sa kanila, Sumunod kayo sa akin; sapagka't ibinigay ng Panginoon ang inyong mga kaaway na mga Moabita sa inyong kamay. At sila'y nagsilusong na kasunod niya, at sinakop ang mga tawiran sa Jordan laban sa mga Moabita, at hindi nila pinayagang tumawid doon ang sinomang tao.
- 29 At sila'y sumakit sa Moab nang panahong yaon ng may sangpung libong lalake, bawa't lalaking may loob, at bawa't lalaking may tapang; at doo'y walang nakatakas na lalake.
- 30 Gayon napasuko ang Moab nang araw na yaon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Israel: at ang lupa'y nagpahingang walong pung taon.
- 31 At pagkatapos niya'y si Samgar, na anak ni Anat, ay siyang nanakit sa mga Filisteo, ng anim na raang lalake, sa pamamagitan ng panundot sa baka: at kaniya ring iniligtas ang Israel.
-
-
King James Version (kjv)
- Afrikaans
- Albanian
- Arabic
- Armenian
- Basque
- Breton
- Calo
- Chamorro
- Cherokee
- Chinese
- Coptic
- Croatian
- Czech
- Danish
- Dari
- Dutch
-
English
American King James Version (akjv) American Standard Version (asv) Basic English Bible (basicenglish) Douay Rheims (douayrheims) John Wycliffe Bible (c.1395) (wycliffe) King James Version (kjv) King James Version (1769) with Strongs Numbers and Morphology and CatchWords, including Apocrypha (without glosses) (kjva) Webster's Bible (wb) Weymouth NT (weymouth) William Tyndale Bible (1525/1530) (tyndale) World English Bible (web) Young's Literal Translation (ylt)
- English and Klingon.
- Esperanto
- Estonian
- Finnish
- French
- German
- Gothic
- Greek
- Greek Modern
- Hebrew
- Hungarian
- Italian
- Japanese
- Korean
- Latin
- Latvian
- Lithuanian
- Malagasy
- Malayalam
- Manx Gaelic
- Maori
- Mongolian
- Myanmar Burmse
- Ndebele
- Norwegian bokmal
- Norwegian nynorsk
- Pohnpeian
- Polish
- Portuguese
- Potawatomi
- Romanian
- Russian
- Scottish Gaelic
- Serbian
- Shona
- Slavonic Elizabeth
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Syriac
- Tagalog
- Tausug
- Thai
- Tok Pisin
- Turkish
- Ukrainian
- Uma
- Vietnamese
-
-
Active Persistent Session:
To use a different persistent session key, simply add it above, and click the button below.
How This All Works
Your persistent session key, together with your favourite verse, authenticates you. It links to all your notes and tags in the Bible. You can share it with loved ones so they can see your notes and tags.
However, to modify your notes and tags, you need both the persistent session key and your favourite verse.
Please Keep Your Favourite Verse Private
Your persistent session key and favourite verse provide you exclusive access to edit your notes and tags. Think of your persistent session key as a username and your favourite verse as a password. Therefore, ensure your favourite verse is kept private.
The persistent session key allows viewing, while editing is only possible when the correct favourite verse is provided.
-
Loading...
-
-
Ang Dating Biblia (1905) (tagalog - 1.2)
2008-07-19Tagalog (tl)
Philippine Bible Society (1905)
in Tagalog (national language of the Philippines)
Bible is reconized by its title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia)
This Bible is now Public Domain.- Encoding: UTF-8
- Direction: LTR
- LCSH: Bible. Tagalog.
- Distribution Abbreviation: tagalog
License
Public Domain
Source ()
Typed from the Ang Biblia Tagalog by Richard & Dolores Long.
- history_1.2
- Minor updates to .conf text
Favourite Verse
You should select one of your favourite verses.
This verse in combination with your session key will be used to authenticate you in the future.
This is currently the active session key.
Should you have another session key from a previous session.
You can add it here to load your previous session.