-
2 Mga Hari 11
- 1 Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay, siya'y tumindig at nilipol ang lahat na lahing hari.
- 2 Nguni't kinuha ni Josaba, na anak na babae ng haring Joram, na kapatid na babae ni Ochozias, si Joas na anak ni Ochozias, at kinuhang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, siya, at ang kaniyang yaya, at inilagay sila sa silid na tulugan; at kaniyang ikinubli siya kay Athalia, na anopa't siya'y hindi napatay.
- 3 At siya'y nakakubling kasama niya sa bahay ng Panginoon na anim na taon: at si Athalia ay naghari sa lupain.
- 4 At nang ikapitong taon, si Joiada ay nagsugo, at kinuha ang mga punong kawal ng dadaanin, sa mga Cariteo, at sa bantay, at ipinagsama niya sa bahay ng Panginoon; at siya'y nakipagtipan sa kanila, at pinasumpa sila sa bahay ng Panginoon, at ipinakita sa kanila ang anak ng hari;
- 5 At kaniyang iniutos sa kanila, na sinasabi, ito ang bagay na inyong gagawin: ang ikatlong bahagi ninyo na papasok sa sabbath ay magiging bantay sa bahay ng hari;
- 6 At ang ikatlong bahagi ay malalagay sa pintuang-bayan ng Sur; at ang ikatlong bahagi ay sa pintuang-bayan sa likod ng bantay: gayon kayo magbabantay sa bahay, at magiging hadlang.
- 7 At ang dalawang pulutong ninyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na nagsilabas sa sabbath, ay magbabantay ng bahay ng Panginoon sa palibot ng hari.
- 8 At inyong kukulungin ang hari sa palibot, na bawa't isa'y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay; at ang pumasok sa hanay, patayin: at kayo'y magsiabay sa hari pagka siya'y lumalabas, at pagka siya'y pumapasok.
- 9 At ginawa ng mga punong kawal ng dadaanin ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote: at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang mga lalake, yaong nagsisipasok sa sabbath na kasama ng mga nagsisilabas sa sabbath, at nagsiparoon kay Joiada na saserdote.
- 10 At ibinigay ng saserdote sa mga punong kawal ng dadaanin ang mga sibat at ang mga kalasag na naging sa haring David, na nangasa bahay ng Panginoon.
- 11 At ang bantay ay tumayo, bawa't isa'y may kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay, mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay, sa siping ng dambana at ng bahay, sa siping ng hari sa palibot.
- 12 Nang magkagayo'y inilabas niya ang anak ng hari, at inilagay niya ang putong sa kaniya, at binigyan siya ng patotoo; at ginawa nila siyang hari, at pinahiran siya ng langis; at kanilang ipinakpak ang kanilang mga kamay, at nagsipagsabi, Mabuhay ang hari.
- 13 At nang marinig ni Athalia ang ingay ng bantay at ng bayan, ay naparoon siya sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon.
- 14 At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng haligi ayon sa kaugalian, at ang mga punong kawal at ang mga pakakak sa siping ng hari; at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at humihip ng mga pakakak. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang kasuutan, at humiyaw Paglililo! paglililo!
- 15 At si Joiada na saserdote ay nagutos sa mga punong kawal ng dadaanin na nalalagay sa hukbo, at nagsabi sa kanila, Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay, at ang sumunod sa kaniya, patayin ng tabak: sapagka't sinabi ng saserdote, Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon.
- 16 Sa gayo'y binigyang daan nila siya, at siya'y naparoon sa daan na pinapasukan ng mga kabayo sa bahay ng hari; at doon siya pinatay.
- 17 At si Joiada ay nakipagtipan sa Panginoon at sa hari at sa bayan, na sila'y magiging bayan ng Panginoon; gayon din sa hari at sa bayan.
- 18 At ang buong bayan ng lupain ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak; ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan ay pinagputolputol nilang mainam, at pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana. At ang saserdote ay naghalal ng mga katiwala sa bahay ng Panginoon.
- 19 At kaniyang ipinagsama ang mga punong kawal ng mga dadaanin, at ang mga Cariteo, at ang bantay, at ang buong bayan ng lupain; at kanilang ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon, at nagsipagdaan sa pintuang-bayan ng bantay hanggang sa bahay ng hari. At siya'y naupo sa luklukan ng mga hari.
- 20 Sa gayo'y ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at ang bayan ay tahimik. At pinatay nila ng tabak si Athalia sa bahay ng hari.
- 21 Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari.
-
-
King James Version (kjv)
- Afrikaans
- Albanian
- Arabic
- Armenian
- Basque
- Breton
- Calo
- Chamorro
- Cherokee
- Chinese
- Coptic
- Croatian
- Czech
- Danish
- Dari
- Dutch
-
English
American King James Version (akjv) American Standard Version (asv) Basic English Bible (basicenglish) Douay Rheims (douayrheims) John Wycliffe Bible (c.1395) (wycliffe) King James Version (kjv) King James Version (1769) with Strongs Numbers and Morphology and CatchWords, including Apocrypha (without glosses) (kjva) Webster's Bible (wb) Weymouth NT (weymouth) William Tyndale Bible (1525/1530) (tyndale) World English Bible (web) Young's Literal Translation (ylt)
- English and Klingon.
- Esperanto
- Estonian
- Finnish
- French
- German
- Gothic
- Greek
- Greek Modern
- Hebrew
- Hungarian
- Italian
- Japanese
- Korean
- Latin
- Latvian
- Lithuanian
- Malagasy
- Malayalam
- Manx Gaelic
- Maori
- Mongolian
- Myanmar Burmse
- Ndebele
- Norwegian bokmal
- Norwegian nynorsk
- Pohnpeian
- Polish
- Portuguese
- Potawatomi
- Romanian
- Russian
- Scottish Gaelic
- Serbian
- Shona
- Slavonic Elizabeth
- Spanish
- Swahili
- Swedish
- Syriac
- Tagalog
- Tausug
- Thai
- Tok Pisin
- Turkish
- Ukrainian
- Uma
- Vietnamese
-
-
Active Persistent Session:
To use a different persistent session key, simply add it above, and click the button below.
How This All Works
Your persistent session key, together with your favourite verse, authenticates you. It links to all your notes and tags in the Bible. You can share it with loved ones so they can see your notes and tags.
However, to modify your notes and tags, you need both the persistent session key and your favourite verse.
Please Keep Your Favourite Verse Private
Your persistent session key and favourite verse provide you exclusive access to edit your notes and tags. Think of your persistent session key as a username and your favourite verse as a password. Therefore, ensure your favourite verse is kept private.
The persistent session key allows viewing, while editing is only possible when the correct favourite verse is provided.
-
Loading...
-
-
Ang Dating Biblia (1905) (tagalog - 1.2)
2008-07-19Tagalog (tl)
Philippine Bible Society (1905)
in Tagalog (national language of the Philippines)
Bible is reconized by its title (Ang Biblia) or (Ang Dating Biblia)
This Bible is now Public Domain.- Encoding: UTF-8
- Direction: LTR
- LCSH: Bible. Tagalog.
- Distribution Abbreviation: tagalog
License
Public Domain
Source ()
Typed from the Ang Biblia Tagalog by Richard & Dolores Long.
- history_1.2
- Minor updates to .conf text
Favourite Verse
You should select one of your favourite verses.
This verse in combination with your session key will be used to authenticate you in the future.
This is currently the active session key.
Should you have another session key from a previous session.
You can add it here to load your previous session.